Posts

Image
"Wikang Filipino: Ating Isaisip at Isapuso" Panimula Wikang Filipino: ating isaisip at isapuso. Ngunit marami ang nagtatanong, saan nga ba nagmula ang Wikang Filipino? Bakit ito ang ating wika? Kung titingnan natin ang naging kasaysayan ng wikang ito ay tiyak na lamang na tayo ay hahanga at maipagmamalaki natin ito ng buong puso. Masasabi rin natin sa ating mga sarili na dapat nga natin itong itatak sa isip at puso ang wikang Filipino bilang isang mamamayang Filipino. Mungkahing Titulo/Pangalan ng Gawain Batay sa aking napiling titulo, "Wikang Filipino: Ating Isaisip at Isapuso", ay nagbibigay diin ito sa pagtatak sa ating mga isipan at pagmamahal sa wikang Filipino. Ang titulong aking ginamit ay kumakatawan sa ating pagka-Filipino na kung saan nais ipabatid ng adbokasiyang ito na dapat nating isaisip at isapuso ang wikang Filipino. Rasyunal at Mithiin Ginamit ko ang paksa tungkol sa pagsasaisip at pagsasapuso ng wikang ...