"Wikang Filipino: Ating Isaisip at Isapuso"

Panimula

Wikang Filipino: ating isaisip at isapuso. Ngunit marami ang nagtatanong, saan nga ba nagmula ang Wikang Filipino? Bakit ito ang ating wika? Kung titingnan natin ang naging kasaysayan ng wikang ito ay tiyak na lamang na tayo ay hahanga at maipagmamalaki natin ito ng buong puso. Masasabi rin natin sa ating mga sarili na dapat nga natin itong itatak sa isip at puso ang wikang Filipino bilang isang mamamayang Filipino. Mungkahing Titulo/Pangalan ng Gawain
Batay sa aking napiling titulo, "Wikang Filipino: Ating Isaisip at Isapuso", ay nagbibigay diin ito sa pagtatak sa ating mga isipan at pagmamahal sa wikang Filipino. Ang titulong aking ginamit ay kumakatawan sa ating pagka-Filipino na kung saan nais ipabatid ng adbokasiyang ito na dapat nating isaisip at isapuso ang wikang Filipino. Rasyunal at Mithiin
Ginamit ko ang paksa tungkol sa pagsasaisip at pagsasapuso ng wikang Filipino. Mahalaga na isaisip at isapuso natin ang wikang Filipino sapagkat dito natin naipapakita ang ating pagmamahal at pagrespeto sa ating sariling wika. Sa panahon ngayon, marami na sa ating mga kabataan ang nakakalimutan ang wikang ito sapagkat tayo na ay nasakop ng kolonyal na edukasyon at dahil na rin sa maraming impluwensiya kaya't marahil ang iba sa atin ay nakakalimutan na ito at binabalewala na lamang at mas napagtutuunan ng pansin ang ibang lenggwahe. Mithiin lamang ng katulad ko na ibalik natin ang nag-aalab na apoy ng pagmamahal at muling ituon ang atensyon sa ating wikang siyang naging simbolo ng pagkakakilanlan bilang Filipino. Kaya't nais ko lamang na atin itong isaisip at isapuso araw-araw at panghabang-buhay. Layunin
Layunin ng adbokasiyang ito na maibalik at mas lalo pa nating itatak sa ating isipan at mahalin pa natin ang wikang Filipino upang sa susunod pang henerasiyon ng ating lahi ay matutuhan din nilang mahalin ang wikang Filipino at ng kanilang pagkakakilanlan bilang isang Filipino. Benepisyo
Sa pamamagitan ng adbokasiyang ito ay may malaking benepisyo ang maaaring iambag nito sa ating mga Filipino. Una na rito ay ang mga susunod pang henerasyon ay matututuhan rin nilang mahalin ang wikang Filipino dahil sa ating ipinapakita sa ngayon. Katulad ko ay mas mapapalalim ko pa ang aking pagmamahal sa wikang ito na siyang ating pagkakakilanlan bilang Filipino at isang mamamayan ng bansang Pilipinas.
Kaya't aking kapwa mag-aaral at kapwa mga millennials, lagi nating isasaisip at isasapuso ang ating wikang Filipino sapagkat dito tayo nakilala, nakikilala at makikilala saang sulok man ng mundo. Mahalin natin at alagaan ang wikang Filipino ng buong puso. Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbabasa aking kapwa mga millennials!

Comments

  1. Magaling. Tama, Ipag laban at ipag malaki ang sariling atin.

    ReplyDelete

Post a Comment